Nagsabit ng mga tarpaulin ang ilang public school teachers sa ilang pampublikong paaralan sa lungsod ng Quezon.
Layon ng hakbang ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na maiparating sa Department of Education (DepEd) ang kanilang hirit na umento at dagdag na mga benepisyo.
Sinabi ni Kris Navalez, araw-araw silang magkakasa ng mga katulad na aktibidad hanggang sa sumapit ang World Teacher’s Day sa Oktubre 5.
Nais din nila aniya ng 87 days service credits at overtime premium, laptop, gadget at internet allowance, P10,000 tax-free election service honorarium, at P3,000 inflation adjustment allowance.
Nagsabit din ng mga katulad na tarpaulins sa Diosdado Macapagal Elem. School, Sergio Osmena Senior High School, Melencio Castelo Elem. School at Judge Feliciano Belmonte Senior High School.