Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng Bonifacio Global City – Ortigas Center Road Link project mamayang hapon.
Bahagi ng Build, Build, Build program ng administrasyong – Duterte ang proyekto.
Nabatid na ang bagong kalsada ay 1.48 kilometer alignment ng BGC – Ortigas Center Road link.
Dadalo din sa okasyon sina Public Works Sec. Mark Villar, Executive Sec. Salvador Medialdea at Sen. Bong Go.
Samantala, ang konstruksyon ng 565-meter viaduct ay naisagawa sa kabila ng mga delays hindi lamang dahil sa pandemya kundi maging ng mga nagdaang masamang panahon.
MOST READ
LATEST STORIES