Typhoon Mindulle hindi na papasok sa PAR – PAGASA
Inanunsiyo ng PAGASA na hindi na papasok ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo na may international code name na Mindulle.
Huling namataan ang masamang panahon sa layong 1,560 kilometro silangan – hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon at tinatahak ang direksyon ng silangan ng Japan.
Dahil hindi na papasok ng PAR ang bagyo, hindi na ito papangalanan na ‘Lannie.’
Sinabi naman ni weather specialist Benison Estareja na ang ‘trough’ ng Mindulle na ay makakaapekto pa rin sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Makakaranas ng maulap na kalangitan ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa at may posibilidad din ng kalat-kalat na mahinang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.