Vaccine passports mahalaga sa pagsigla ng ekonomiya – Sen. Pia Cayetano
Ibinahagi na ni Senator Pia Cayetano ang Senate Bill No. 2422 o ang Vaccine sa ilalim ng Committee Report No. 326 o ang Vaccine and Health Passport Program Act.
Layon nito na maayendahan ang probisyon para sa vaccine cards sa COVID 19 Vaccination Program Act of 2021.
Ayon kay Cayetano hindi na bago ang vaccine passport dahil maraming bansa na ang gumagamit nito para sa ligtas na transborder, maging international travels dahil maraming lugar pa rin ang naghihigpit sa mga pagbiyahe.
Ibinahagi din nito na dumami ang nais mabakunahan sa maraming bansa matapos malinawagan sa layon ng vaccine passport/card/certificate.
“A vaccine passport also helps to open businesses and establishments, restarting economic and cultural activity,” sabi pa ng senadoea.
Ipinunto pa ni Cayetano na sa maraming bansa pinapayagan na ang mga may proof of vaccination sa mga pampublikong lugar tulad ng cultural sites, gyms, theaters, museums, restaurants, bars, at cafés.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.