Jinggoy Estrada, tatakbo bilang senador sa 2022 elections

Photo grab from former Sen. Jinggoy Estrada’s Facebook live

Inanunsiyo ni dating Senador Jinggoy Estrada ang pagtakbo bilang senador para sa 2022 national and local elections.

Inihayag ng dating senador ang kaniyang kandidatura sa pagka-senador sa pamamagitan ng Facebook live.

“Mga kababayan, mga kasama, mga ka-masa, ako po si Jinggoy Estrada, buong puso kong inihahayag ang aking hangaring makibahagi sa isang malinis at malayang halalan upang maging senador muli ng ating pinakamamahal na bansa,” saad nito.

Kasama ni Estrada ang kaniyang pamilya nang iproklama ang pagtakbo sa nalalapit na halalan.

Matatandaang nahaharap pa rin si Estrada sa plunder case na may koneksyon sa pork barrel scam.

Read more...