PBA All-Filipino crown binitiwan na ng Barangay Ginebra

September 29, 2021 - 08:36 PM

Tinapos ng TNT ang pangarap ng Barangay Ginebra na mapanatiling hawak ang PBA All-Filipino crown.

Tinalo ng TNT ang Ginebra, 84-71, sa kanilang quarterfinal match sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

Sa unang yugto ay nagpakita pa ng determinasyon ang Ginebra, ngunit nag-iba ang kanilang timpla simula sa ikalawang yugto at naghabol na lamang ng naghabol.

Pagtungong ng ikatlong yugto ay mas naginit ang Tropang Giga at tuluyan nang inilayo ang distansiya sa pagkamada nina RR Pogoy, Troy Rosario at Mikey Williams.

Maituturing na paghihiganti ang ginawa ng TNT dahil ang Ginebra ang tumalo sa kanila sa finals ng 2020 Philippine Cup sa Clark bubble.

Marami ang nakapansin na tila nawala ang ‘never say die attitude’ ng Ginebra sa 2021 PBA Philippine Cup at lumala pa ito nang mawala sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson dahil sa injuries.

Hihintayin na lamang ng TNT ang mananalo sa serye ng San Miguel – Northport para sa best-of-seven semifinals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.