Sen. Leila de Lima humirit ng ‘photo op’ para sa pag-file ng COC
Isa si Senator Leila de Lima sa mga una nang nag-deklara ng pagsali sa ‘senatorial race’ sa May 2022 elections.
Kaugnay nito, hiniling niya sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 na payagan siya na makuhanan ng retrato sa loob ng kanyang kulungan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Naghain na sa korte kahapon, Setyembre 28, si de Lima ng urgent motion kaugnay sa kanyang kahilingan.
Katuwiran niya gagamitin ang mga retrato sa paghahain niya ng mga kinakailangan dokumento sa Comelec.
Nabatid na hinihiling ng Comelec na sa paghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) at Certificate of Candidacy (COC), kinakakailan ang ‘passport-size photo’ na kuha sa nakalipas na anim na buwan.
“Accused, Leila M. de Lima, respectfully moves for the Honorable Court to allow the taking of her photograph for her official Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) and Certificate of Candidacy (COC), and the notarization of said documents, inside the Philippine National Police (PNP) Custodial Center in the earliest possible time,” ang nakasaad sa mosyon.
Noon pang Pebrero 24, 2017 nakakulong si de Lima dahil sa mga kasong drug trading, na aniya ay bahagi ng panggigipit sa kanya ng administrasyong-Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.