PSG, nakipagpulong sa Comelec para sa seguridad sa filing ng COC ni Pangulong Duterte
Nakipag-ugnayan na ang Presidential Security Group (PSG) sa Commission on Elections (Comelec) para sa paglalatag ng seguridad para sa filing of candidacy ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Pangulong Duterte ang pambato ng PDP-Laban sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.
Ayon kay Cabangbang, nagkaroon na ng pagpupulong ang PSG at Comelec, araw ng Miyerkules (September 29).
Gayunman, hindi tinukoy ni Cabangbang kung kailan maghahain ng COC ang Pangulo.
Hindi kasi aniya maaring ipaubaya sa Comelec ang pagbibigay seguridad sa Pangulo.
Ayon kay Cabangbang, kahit na maghain na ng COC ang Pangulo, tuloy ang kanilang pagbibigay ng seguridad.
Tungkulin kasi aniya ng PSG na siguruhing maayos at ligtas ang kalagayan ng Pangulo hanggang sa matapos ang termino.
Magsisimula ang paghahain ng kandidatura sa October 1 hanggang 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.