Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, pinag-aaralan na nila katuwang ang Land Transportation Office (LTO) ang aksyon na maaring gawin sa kompaniya na naglunsad ng bagong Grab Bike app.
Iginiit ni Ginez na may memorandum na ang department of transportation and communication na nagsasabing hindi maaring pagbigyan ang petisyon para sa Grab Bike.
Nakasaad sa kautusan na hindi maaring gamitin na public transport ang motorsiklo dahil lubha itong delikado.
Matatandaang ipinag-utos ng LTFRB ang agad na pagpapatigil sa operasyon ng Grab Bike dahil sa paglabag nito Department Order 2015-011 ng Department of Transportation and Communication (DOTC) kaugnay sa pagpaparehistro ng transport network vehicle service (TNVS).
Noong January 27 inutusan ng LTFRB ang kumpanyang Mytaxi.ph na may hawak ng GrabBike na itigil ang kanilang serbisyo dahil naman sa wala pang pinapasa at nilalabas na guidelines ang DOTC tungkol sa paggamit ng motorsiklo bilang public transportation service.