DPWH Region 1 kinilala sa CSC Awards dahil sa frontline service

Binigyang pagkilala ng Civil Service Commission (CSC) ang Department of Public Works and Highways (DPWH) – Regional Office 1 sa San Fernando City, La Union dahil sa natatanging ambag nito sa public service excellence.

Sa isang virtual appreciation program noong Lunes, September 27, 2021, ginawaran ang DPWH Regional Office 1, sa pamumuno ni Director Ronnel Tan, ng Certificate of Appreciation ng CSC sa ika-121 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Kinilala din si DPWH Secretary Mark Villar ng CSC sa patuloy nitong paglilingkod sa bansa sa gitna ng umiiral na krisis, kalamidad at emergencies.

Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri ng CSC Regional Office at ng kanilang field offices, si Director Tan ng DPWH Region 1 Team ay napiling parangalan dahil sa…” unrelenting efforts and extraordinary services filled with admirable courage and dedication in performing sworn duties in the midst of the COVID-19 pandemic.”

Ikinatuwa naman ni Tan ang karangalang nakuha ng DPWH Region 1 sa larangan ng frontline service mula sa CSC award.

“On behalf of the men and women of DPWH Regional Office 1, we are grateful to accept the recognition and overwhelmingly proud by the text of the certificate “you are all heroes,” pahayag ni Director Tan.

Nabatid na tanging ang DPWH Region 1 sa pamumuno ni Director Tan ang nag-iisang DPWH regional office sa bansa ang tumanggap ng ganitong karangalan mula sa CSC.

Ang sertipikasyon ng pagkilala ay bilang parangal sa DPWH Region 1 frontliners at sa kanilang hindi mababayarang kontribusyon upang mabawasan ang epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19, gayundin sa kanilang pagtugon sa emergency situations.

Matatandaang nagtamo rin ng karangalan ang DPWH Region 1 office bilang Top Performing Implementing Unit ng nabanggit na kagawaran sa Unified Directors Meeting noong September 10 sa Clark Freeport, Pampanga.

Sa tuwing may bagyo, ang DPWH Region 1 na sumasakop sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte na nasa high alert dahil sa kalamidad ay mabilis na kumikilos upang bisitahin ang mga apektadong lugar at mag- check ng mga daan, tulay, public buildings, health centers, schools, flood mitigation structures, at iba pang pampublikong gusali.

Read more...