P7.5M halaga ng shabu nabuking ng Customs Bureau – NAIA
Aabot sa higit P7.52 milyong halaga ng shabu ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa warehouse ng isang international courier service sa Pasay City.
Sa ulat ng Bureau of Customs – Port of NAIA, ang 1.1 kilo ng shabu ay inilagay sa dalawang kahon na naglalaman ng mga damit, tsinelas at pagkain.
Ang droga ay pinaghiwa-hiwalay sa apat na plastic at nakumpirma na ito ay shabu base sa resulta ng chemical analysis ng PDEA.
Nabatid na nagmula sa Malaysia ang packages.
Nasa pangangalaga na ngayon ng PDEA ang mga droga para sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso laban sa mga nasa likod nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.