Goodbye boxing – Pambansang Kamao Manny Pacquiao

By Jan Escosio September 29, 2021 - 12:40 PM

Inanunsiyo na ni Senator Manny Pacquiao ang pagtalikod sa boxing.

Ang anunsiyo ng kanyang pagreretiro sa boxing ay nangyari 10 araw matapos naman niyang tanggapin ang nominasyon na tumakbo sa presidential race sa May 2022 elections.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pambansang Kamao na karangalan sa kanya na makilala ang bansa at ang lahing Filipino sa pamamagitan ng boxing.

Pinasalamatan din niya ang mga tao na hindi bumitiw sa kanya sa kanyang simula, ang mga umalalay sa kanya sa kanyang mga laban at tumulong sa kanya para makasungkit ng 12 major world titles saw along dibisyon ng boksing.

“Glory to God who made it happen. I always believe that in God all things are possible. Without Him, I am nothing. He is the one who gives me the ability and strength to accomplish all those things,” sabi pa ni Pacquiao.

Aniya labis-labis nang biyaya ang natanggap niya, kasama na dito ang kanyang pamilya.

“It is difficult for me to accept that my time as a boxer is over. Goodbye boxing,” sabi pa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.