P250-M shabu, nadiskubre sa abandonadong van sa MOA

By Jay Dones May 04, 2016 - 04:19 AM

 

Marianne Bermudez/Inquirer

Aabot sa P250 milyong pisong halaga ng shabu ang nadiskubre sa isang abandonadong van na iniwan sa parking area ng SM Mall of Asia.

Ayon sa Pasay City police, nadiskubre ang aabot sa 75 kilos ng high grade shabu sa loob ng puting Foton van na may plakang GB-2585.

Sinabi ng mga security personnel ng mall na April 20 pa nila napansin na nakaparada sa open parking ng establisimiyento ang naturang van. Gayunman, kahapon ng umaga, tatlong lalake na hinihinalang Chinese ang nagtungo sa parking at tinangkang kunin ang van bitbit ang susi at parking ticket ng sasakyan.

Ngunit dahil sa matagal na itong nakaparada, nagpasya ang security na humingi ng kopya ng rehistro ng sasakyan mula sa tatlo na nabigo namang ipakita ng mga ito kaya’t umalis na lamang ang mga ito.

Dito na nagpasyang tumawag ng responde sa mga otoridad ang mga security personnel.

At sa pagsisiyasat, dito na nadiskubre ang kilu-kilong unrefined shabu at ilan pang component para sa paggawa ng droga.

Kumakalap na ng mga karagdagang impormasyon ang Souther Police District at Pasay City Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na nagtangkang kunin ang sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.