Ombudsman dapat imbestigahan na ang ‘Public-Private Sector Partnership for Plunder’

Hinikayat ni Senator Leila de Lima ang sambayan na huwag tumigil sa panawagan na papanagutin ang mga sangkot sa mga kontrobersyal na kontrata ng Pharmally Pharmaceutical sa gobyerno.

Tinawag ng senadora itong  ‘Public-Private Sector Partnership for Plunder.’

Sinabi pa ng senadora na dapat simulant na ng Ombudsman ang preliminary investigation sa sabwatan nina dating Budget Usec. Christopher Lao, dating Presidential adviser on economic affairs Michael Yang at mga opisyal ng Pharmally.

“The Pharmally investigation has gone this far for us to discover that the crime did not only result in figuratively killing the people by way of plundering public funds during a pandemic, but also literally when expired face shields were delivered for the use of our healthcare workers,” aniya.

Inisip din ni de Lima kung ilang medical frontliners ang nagkasakit at namatay dahil sa mga depektibong medical supplies na ipinagbili sa gobyerno ng Pharmally.

“We should not stop until all those responsible for this plunder which cost lives are brought to justice. If only for this one time, we should not falter in seeking merciless retribution against these sociopaths at the PS-DBM and Pharmally who stole from our countrymen and killed our healthcare workers in the time of the COVID-19 pandemic,” dagdag pa nito.

 

Read more...