3 sundalo at 1 militiaman, pinalaya ng NPA
Surpresang pinalaya ng New People’s Army (NPA) ang tatlong sundalo at isang militiaman sa isang okasyon na nakalaan para lamang sa pagpapalaya ng dalawang sundalo na ginanap Martes ng hapon.
Una nang naglabas ng order ang NPA para sa pagpapalaya kina Private First Class Diven Tawide at Private First Class Glenn Austria ng 23rd Infantry Battalion.
Pero biglang inanunsyo ng custodial officer ng mga bihag ng NPA na si Ka Omar Ibarra na mayroon pa silang palalayain na isang sundalo at isang militiaman.
Ito ay sina Corporal Jawad Awadi at ang militiaman na si Roy Perez na dinakip ng mga rebeldeng NPA nang namataan silang lumiligid-ligid sa isang lugar na binabantayan ng mga rebelde.
Ayon kay Ibarra, nagdesisyon silang palayain na rin sina Awadi at Perez bago pirmahan ang dokumento para sa pagpapalaya ng mga tinatawag nilang prisoners of war.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.