DFA Consular Office sa Antipolo, sarado hanggang Oct. 1

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Consular Office (CO) sa Antipolo City, Rizal simula September 27 hanggang October 1, 2021.

Ayon sa kagawaran, layon nitong magsagawa ng masusing disinfection sa lugar at masunod ang isolation at quarantine guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases.

Ilang tauhan kasi ng CO Antipolo ang nagpositibo sa COVID-19 habang ang iba ay tinukoy bilang close contacts.

Ayon sa kagawaran, makakatanggap ang mga apektadong aplikante ng email ukol sa alternatibong alternative passport appointment schedule.

Humingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko.

Read more...