Binabantayang bagyo, maaring pumasok sa bansa sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga

DOST PAGASA satellite image

Nasa typhoon category pa rin ang binabantayang bagyo ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, huling namataan ang sentro ng bagyo na may international name na “Mindulle” sa layong 1,420 kilometers Silangan ng Itbayat, Batanes.

May lakas ang bagyo na 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Posible pa rin aniyang pumasok ang bagyo sa teritoryo ng bansa sa Martes ng gabi, September 28, o Miyerkules ng umaga, September 29.

Ngunit ani Figuracion, sa border na lamang aniya ng PAR aabot ang bagyo.

Sa ngayon, nakaaapekto ang trough ng bagyo sa Southern Luzon at Visayas.

Asahan pa rin aniya ang maaliwalas na panahon ngunit malaki ang tsansa na makaranas ng pag-ulan at pamumuo ng thunderstorms.

Read more...