2020 – 2021 Bar examinations inilipat na sa 2022

Muli walang magaganap na Bar Examinations ngayon taon.

 

Naglabas na ng abiso si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, ang chairperson ng 2020 /21 Bar Examinations, para sa paglipat ng petsa ng eksaminasyon sa mga nais maging abogado.

 

Ang eksaminasyon ay  isasagawa sa Enero 16, 23 at 30, gayundin sa Pebrero 6, sa susunod na taon.

 

Ayon kay Leonen ikinunsidera pa rin sa desisyon ang kasalukuyang banta dala ng COVID 19.

 

Ikinunsidera din aniya ang mga payo sa Korte Suprema ng mga eksperto.

 

Sinabi din ni Leonen na magtutuloy-tuloy naman ang iba pang mga programa at aktibidad na may kinalaman sa papalapit na Bar Examinations.

 

Read more...