Essential workers sa Valenzuela City, inayudahan ni Sen. Go
Binigyan ng ayuda ni Senador Bong Go ang mahigit 200 essential workers sa Valenzuela City.
Kabilang sa mga ibinigay ni Go ang pagkain, vitamins, masks, at face shields.
Binigyan din ni Go ng sapatos at bisikleta ang essential workers.
“Gagawin po natin ang lahat sa abot ng ating makakaya upang makapagbigay ng tulong at makapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Kung may maitutulong kami sa inyo, magsabi lang kayo sa amin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Huwag kayo mahiyang lumapit sa amin dahil trabaho namin ang magserbisyo sa inyo,” pahayag ni Go.
Kasabay nito, hinimok ni Go ang essential workers, lalo na ang nahaharap sa mga hamon sa buhay na dumulog at humingi ng tulong sa gobyerno lalo na sa mga programang pangkabuhayan.
“Ako po’y nagpapasalamat, unang-una, sa Panginoon sa biyayang pinansyal na natanggap namin. Nagpapasalamat din ako kay Senator Bong Go at sa mga konsehal ng Valenzuela City na ginamit Niya para makakuha kami ng ganitong assistance. Ito po ay napakalaking bagay sa amin dahil magagamit namin ito para sa karagdagang puhunan,” pahayag ni Rodolfo Blas, isa sa mga nakatanggap ng ayuda no Go.
“Panalangin ko na humaba pa ang buhay ng ating mga opisyal at marami pa silang matulungan na mga taong nangangailang ng tulong. Maraming salamat at God bless sa kanila!,” dagdag ni Blas.
Ayon kay Go, kung magkakasakit ang essential workers, maari namang dumulog sa mga Malasakit Center na nakatayo sa iba’t ibang pampublikong ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.