Sen. Imee Marcos: Comelec pumayag na sa extension ng voter’s registration

By Jan Escosio September 28, 2021 - 01:14 PM

Ibinahagi ni Senator Imee Marcos na lumambot na ang Commission on Elections (Comelec) at pinagbigyan na ang mga panawagan para mapalawig ang ginagawang voter’s registration.

 

Ayon kay Marcos ang pagpapalawig ng voter’s registration ay pag-uusapan ng Commission en banc bukas at ito ay iaanunsiyo na rin.

 

Kayat pinuri na ng senadora ang Comelec dahil sa pakikinig sa mga pangangatuwiran ng mga nanawagan ng extension ng voter’s registration.

 

“The more voters, the louder the voice of the people and of God in next year’s election,” sabi ng senadora.

 

Itinuro naman ng namumuno sa Senate Committee on Electoral Reforms si Comelec Dir. Elnas Teopisto Jr., na siyang nagsabi sa kanya sa iaanunsiyo ng Comelec bukas.

 

Inaasahan na sa halip na sa Huwebes, Setyembre 30, ang deadline ng voter’s registration, ito ay ililipat na sa katapusan ng Oktubre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.