Bagong video ng 3 hostage ng Abu Sayyaf lumutang

 

screengrab

Isa pang video ang inilabas umano ng Abu Sayyaf kung saan makikita ang tatlo pa nilang bihag na napapalibutan ng mga miyembro ng bandidong grupo.

Kabilang sa mga hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang Canadian na si Robert Hall, ang Pinay na si Marites Flor at ang Norwegian Kjartan Sekkingstad.

Ang mga biktima ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa isang resort sa Island Garden City of Samal noong Setyembre ng nakaraang taon.

Humihiling ang isa mga biktima na si Robert Hall na ibigay ang demand na ransom ng kani-kanilang gobyerno para sa kanilang paglaya.

Nauna rito, inilutang din umano ng Abu Sayyaf Group ang video ng pagpugot sa Canadian hostage na si John Ridsdel sa internet.

Wala pa namang kumpirmasyon mula sa mga otoridad sa ‘authenticity’ ng naturang video.

Read more...