Sen. Leila de Lima may panukala para mapalakas ang mga maliliit na negosyo

Naghain ng panukala si Senator Leila de Lima na layon mapalakas ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa.

Paliwanag nito, layon ng inihain niyang Senate Bill No. 2400 na maamyendahan ang RA 6977 o ang Magna Carta for MSMEs para matulungan ang mga maliliit na negosyo na lubhang naapektuhan ng mga epekto ng pandemya.

“MSMEs are very vulnerable to external shocks in the economy. This has been witnessed and proven in the wake of the COVID-19 pandemic. The health crisis severely affected MSMEs as it took a huge toll on their revenues due to economic uncertainties,” sabi nito.

Puna niya kulang ang mga batas at polisiya para matulungan ang MSMEs sa pagharap sa mga hamon dulot ng kasalukuyang sitwasyon.

Binanggit nito na base sa ulat ng United Nations Development Programme (UNDP) Philippines, 63 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga manggagawa ay nasa MSMEs at ito ay 99.5 porsiyento ng mga establismento sa bansa.

Nakasaad sa panukala ni de Lima, 10 porsiyento ng mga pangangailangan ng gobyerno at mga ahensiya ay bibilhin sa mga MSMEs.

Bukod dito, bibigyan din ng hanggang 20 porsiyentong diskuwento ang mga maliliit na negosyo sa kanilang bayarin sa shipping at delivery fees ng kanilang mga produkto at materyales.

 

 

Read more...