Ayon kay Villar kapag naging batas ang Cash Assistance to Filipino Rice Farmers Act of 2020 mabebenipisyuhan nito ang 1.673 milyong magsasakang Filipino.
Paliwanag ng senadora, sa panukala ang halaga na lalabis sa P10 billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na makokolekta ng Bureau of Customs ay awtomatikong ibibigay na tulong-pinansiyal sa mga magsasaka na may tinataniman na dalawang ektarya o mas maliit pa na lupain.
Puna ni Villar nahaharap pa rin sa maraming hamon ang mga maliliit na magsasaka dulot ng liberalisasyon ng pag-aangkat ng bigas na sinimulan noong 2019.
Labis din aniya silang naapektuhan ng mga mapaminsalang bagyo at ng kasalukuyang pandemya.
“So I strongly believe that our farmers need more support and assistance to cope up with the several challenges, especially now that we are in a pandemic, and their health is also at risk,” ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Agriculture.