Upgraded Zamboanga International Airport, nakatakda nang pasinayaan

By Angellic Jordan September 27, 2021 - 11:00 PM

Nakatakdang pasinayaan ang natapos na development projects sa Zamboanga International Airport (ZIA) sa Martes, September 28.

Pangungunahan ang seremonya nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Capt. Jim Sydiongco.

Kabilang sa mga inayos sa naturang paliparan ang pinalawak na Passenger Terminal Building.

Dahil dito, mula sa dating 500 pasahero, kaya nang maka-accommodate ng ZIA ng 750 pasahero.

Magdadaos din ng inagurasyon sa iba pang development projects sa ZIA, kabilang ang Malasakit Hall at GAD Multipurpose Hall.

Ipagpapatuloy naman ng CAAP ang pagpapabuti sa paliparan sa pamamagitan ng pagsasaayos at asphalt overlay sa runway nito.

TAGS: ArtTuagde, AviationAndAirportsSectorWorks, BUILDBUILDBUILD, DOTrPH, InquirerNews, Mindanao, RadyoInquirerNews, ZamboangaAirport, ArtTuagde, AviationAndAirportsSectorWorks, BUILDBUILDBUILD, DOTrPH, InquirerNews, Mindanao, RadyoInquirerNews, ZamboangaAirport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.