Mga suspek sa tanim-bala sa NAIA kinasuhan na

Tanim bala1
Inquirer file photo

Sinampahan na ng patong patong na kaso sa Department of Justice (DOJ) ang ilang tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay sa isyu ng tanim-bala.

Sa kanilang reklamo, sinabi ng mag-asawang sina  Esteban, 78-anyos at Salvacion Cortabista, 75-years-old na sina Niño Namba, wheelchair attendant, Airport Inspectors Ferdinand Morales at Fatti Dame ang nag-lagay ng bala sa kanilang bag.

Ang mag-asawang Cortabista ay inaresto ng mga pulis noong April 19 makaraang makitaan ng isang piraso ng bala ang dala nilang bag nang dumaan ito sa x-ray screening machine.

Papunta sa U.S ang mga biktima para magpagamot si Ginang Cortabista nang sila’y arestuhin ng mga otoridad.

Sinabi naman ng pamangkin ng mga biktima na si Maria Fe Balagot na sinubukan din siyang kausapin ni Dame na nagawa pang humingi ng P50,000 para aregluhin na lamang ang isyu.

Nang hindi sila pumayag ay kaagad umano silang dinala sa tanggapan ng PNP Aviation Security Group sa loob ng Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta na nahaharap ang mga suspect sa mga kasong violation ng Section 38, ng RA No 10591 o Planting of Evidence, Article 294 ng Revised Penal Code bilang crime of Robbery with Intimidation of a Person, at Unjust Vexation.

Read more...