6 sa 10 Pinoy:Labag sa Saligang Batas ang ‘VP run’ ni Pangulong Duterte
Animnapung porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang lalabagin ni Pangulong Duterte ang Saligang Batas kung tutuloy ang ‘vice presidential run’ sa 2022 elections.
Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey.
Anila kinakailangan munang amyendahan ang Saligang Batas bago tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo ang Punong Ehekutibo at marami sa kanila ang hindi bilib kay Pangulong Duterte.
Sa 39 porsiyento naman na pabor sa balak ni Pangulong Duterte, ikinatuwiran nila na gusto nila na maipagpatuloy ang pamamalakad nito.
Ginawa ang survey noong Hunyo 23 hanggang 26 sa 1,200 respondents sa buong bansa.
Ayon sa SWS, maging ang mga sumagot sa face-to-face survey sa Mindanao (53 porsiyento) ay nagsabing lalabagin ni Pangulong Duterte ang Saligang Batas kung itutuloy niya ang kanyang balak.
Sa Luzon, 65 porsiyento ang hindi sang-ayon sa balak ni Pangulong Duterte, 59 porsiyento sa Visayas at 56 porsiyento sa Metro Manila respondents.
Samantala, ang isang porsiyento sa mga natanong at hindi nagbigay ng kasagutan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.