160 aftershocks, naitala matapos ang M5.7 na lindol sa Occidental Mindoro

Nakapagtala ng 160 aftershocks matapos tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa Occidental Mindoro.

Base ito sa datos ng Phivolcs hanggang 3:00, Lunes ng hapon (September 27).

Dalawa sa aftershocks ang naramdaman.

Ayon pa sa Phivolcs, may lakas mula magnitude 1.5 hanggang 4.5 ang naitalang aftershocks.

Matatandaang yumanig ang malakas na lindol sa bayan ng Lubang bandang 1:12, Lunes ng madaling-araw.

Sa lakas nito, naramdaman ang pagyanig hanggang Metro Manila at iba pang lalawigan.

Read more...