Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 27, nasa 23,277 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 103 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 8,425 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
74 naman ang bagong gumaling kung kaya 13,465 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,387 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,101 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,651 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 1,036 naman ang kaso sa Americas at 5,489 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.