P2-B Pasig River Rehab project ng SMC, pinuri ng environmental think tank
Pinuri ng isang environment think tank ang P2-billion Pasig River Rehabilitation Project ng San Miguel Corp. (SMC).
Ayon sa Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon), ang proyekto na akma sa P95-billion Pasig River Expressway (PAREX) ay maari ring maging model ng green infrastructure na isa sa magpapalakas sa environmental rehabilitation.
Ang 19.37-kilometer hybrid expressway project sa kahabaan ng Pasig River ay isasagawa ng SMC sa ilalim ng public-private partnership program ng pamahalaan na itinuturing na kauna-unahang green hybrid highway sa bansa.
Idinagdag ng Pinoy Aksyon na mainam na inilagay sa harapan at sentro ang kalikasan sa naturang proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.