Dagdag allowance at benepisyo sa mga healthcare workers, isinusulong ni Senador Bong Go
Itinutulak ni Senador Bong Go ang isang panukalang batas na magbibigay ng inclusive allowance at iba pang benepisyo para sa mga healthcare workers na nakikipag-sagupa nggayon sa pandemya sa COVID-19.
Sa Senate Bill No. 2398, sinabi ni Go na maituturing na bayani ang mga healthcare workers kung kaya marapat lamang na bigyang insentibo ang mga ito.
“Foremost in this fight, we must ensure the well-being of our healthcare workers. As such, I want to highlight the need to include in the 2022 budget the allowances for our healthcare workers. Nakataya po ang buhay nila dito. Bawat araw po ay nasa panganib ang kanilang buhay,” pahayag ni Go.
Hindi maikakaila ayon kay Go na ilang ospital na ngayon ang puno na ng mga pasyente kung kaya pagod na ang mga healthcare workers sa pag-aalaga sa mga nagpo-positibo sa COVID-19.
“Nito ngang nakaraan, umabot na sa full or critical capacity ang ilan sa mga ospital dito sa Metro Manila, kagaya ng St. Luke’s Medical Center, Medical City, Cardinal Santos Medical Center, UERM Medical Center at Philippine Heart Center, dahil sa dami na po ng nagpapagamot at dahil nahahawa at nagkakasakit na ang karamihan sa kanilang mga healthcare workers,” pahayag ni Go.
“This is why President (Rodrigo) Duterte asked the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police to deploy members of their medical corps to reinforce hospitals,” dagdag ng Senador.
Kung tutuusin ayon kay Go, hindi kayang tumbasan ng pera ang sakripisyo ng mga healthcare workers.
“Sa totoo lang po, hindi naman mababayaran ng kahit anuman po ang buhay, ngunit mahalaga na bilang pagkilala na rin po sa sakripisyo nila para sa ating bayan, bigyan natin sila ng dapat nilang matanggap,” pahayag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.