138,000 COVID-19 vaccination certificates naipamigay na ng DICT

Aabot sa 138,000 na COVID-19 vaccination certificates ang na-issue na ng Department of Information and Communications Technology.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DICT Undersecretary Emmanuel Caintic, ito ay mula nang isagawa ang soft launch ng VaxCertPH noong September 6.

Ibinibigay aniya ang VaxCertPH para sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.

Nabatid na aabot sa 225,000 na ang natanggap na request ng DICT at 138,000 na ang naibigay.

Prayoridad aniya na mabigyan ng certificate ang mga overseas Filipino workers.

Read more...