Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, kakandidatong kongresista ng Pampanga

By Chona Yu September 25, 2021 - 03:26 PM

Tatakbong muli sa pagka-kongresista ng Pampanga Second District si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Pampanga Congressman Mikey Arroyo, nominado ang kanyang ina ng Lakas-Christian Muslim Democrat para maging kandidato.

Matatandaang naging pangulo ng bansa si Arroyo noong 2001 hanggang 2010.

Pagkatapos ng kanyang termino bilang pangulo ng bansa, tumakbong kongresista si Arroyo sa Pampanga.

 

TAGS: Congressman Mikey Arroyo, Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Pampanga, Congressman Mikey Arroyo, Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.