1 patay, 15 crew member nailigtas nang tumagilid ang sinasakyang RoRo sa Ormoc

By Chona Yu September 25, 2021 - 01:18 PM

Patay ang isang crew member habang nakaligtas ang 15 iba pa matapos tumagilid ang sinasakyang RoRo passenger ship sa Ormoc City.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, nakilala ang nasawi na si Raquel Alo, 33 anyos.

Nabatid na nakulong sa RoRo si Alo dahilan para hindi makaligtas sa trahedya.

Itinurn-over na ng PCG ang mga labi ni Alo sa Scene of Crime Operation sa Ormoc City.

Nasa pangangalaga naman ngayon ng Ormoc City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang 15 crew member at nilalapatan ng medical assistance.

Nabatid na dadaong na sana ang RoRo nang bigla itong tumagilid.

 

TAGS: Ormoc City, philippine coast guard, Raquel Alo, RoRo, Ormoc City, philippine coast guard, Raquel Alo, RoRo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.