9 na mangingisda nawawala, 22 na-rescue sa lumubog na bangka sa Cebu

By Chona Yu September 25, 2021 - 12:50 PM

 

 

Siyam na mangingisda ang nawawala habang 22 ang na-rescue matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Tanguigui Island sa Northern Cebu.

Ayon sa Philippine Coast Guard, sakay ang mga mangingisda sa St. Peter the Fisherman II nang biglang sinalubong ng malakas na hangin at alon.

Ayon sa PCG si Frankie Chavez ang kapitan ng bangka nap ag-aari ng Tristar Fishing Corporation.

Dinala na ang mga nakaligtas na mangingisda sa Cadiz City Commercial Port sa Negros Occidental.

Patuloy na pinaghahanap ang siyam na mangingisda ang kapitan ng bangka na si Chavez, Norberto Parlotzo, Renante Forsuelo, Victor Calvo, Herminio Ronamo, Manuel Auditor, Rommel Engle, Julit Salvo at Julian Dungog.

 

 

TAGS: bangka, cebu, lumubog, philippine coast guard, St. Peter the Fisherman II, Tanguigui Island, bangka, cebu, lumubog, philippine coast guard, St. Peter the Fisherman II, Tanguigui Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.