‘Tax deal’ sa mga mayayaman pinuna ng isang grupo
Pinatitigil na ng grupong Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) ang pagbibigay pabor ng mga gobyerno sa Asya sa mga mayayaman sa usapin ng buwis.
Ayon sa grupo maging may kinahaharap na pandemya ang buong mundo napapaboran ang interes ng mga malalaking korporasyon.
Anila mas nagiging prayoridad na ngayon ang kita sa halip na ang kapakanan ng mga mamamayan kayat pumapalpak ang pagbibigay ng tunay na serbisyong-pampubliko na nagreresulta sa mas maraming kamatayan.
Puna pa ng APMDD, para pondohan ang COVID-19 responses, maraming gobyerno ang umuutang nang umuutang kasabay nang pagpapatupad ng mga polisiya na nagbabawas sa buwis ng mga korporasyon.
Ang diskarteng ito, ayon sa grupo, ay mga mayayamang bansa, multi-national corporations at ang mga mayayamang indibiduwal lang ang nakikinabang, samantalang lubos na naapektuhan ang mga mahihirap.
“Adopt tax and fiscal policies that truly respond to the needs of people and the planet, reduce unjust tax burdens on people, fairly tax the wealth of elites and corporations , and that serve to reduce inequalities and enable the realization of human rights and sustainable development. Build inclusive, transformative and sustainable economies that genuinely serve the needs, interests, and futures of people and the planet,” diin pa ng APMDD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.