JV Ejercito muling magtatangkang makabalik sa Senado

By Jan Escosio September 25, 2021 - 09:53 AM

Muling susubukan ni dating Senator JV Ejercito na makabalik sa Senado sa 2022 elections.

Ayon kay Ejercito hiningi at ibinigay na sa kanya ng amang si dating Pangulong Joseph Estrada ang basbas nito sa kanyang muling pagtakbo sa pagka-senador.

Aniya tatakbo siya sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition at sabi ni Ejercito ang tatlong nagdeklara na ng kandidatura sa pagka-pangulo – Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Domagoso, ay pawang kaibigan niya.

Sinabi pa ng dating senador na hindi niya alam kung ang half-brother niyang si dating Senator Jinggoy Estrada ay kakandidato din muli sa pagka-senador.

Magugunita na sabay na kumandidato ang dalawa noong 2019 senatorial race at kapwa natalo din.

Diin ni Ejercito pakiramdam niya ay kailangan siyang makabalik sa Senado para mapagtibay pa ang Universal Health Care Law, gayundin ang iba pa niyang naiwan na mahahalagang panukala.

TAGS: 2022 national elections, JV Ejercito, 2022 national elections, JV Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.