Military force gagamitin ni Pangulong Duterte sa 2022 elections
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin niya ang puwersa ng militar sa 2022 presidential elections.
Ayon sa Pangulo, ito ay kung kakailanganin para masiguro lamang na magiging maayos at mapayapa ang susunod na eleksyon.
Nais kasi ng Pangulo na magiging maayos ang eleksyon kung saan malayang makaboboto ang mga botante at makapipili ng nais na mga kandidato.
“No one wants trouble. Nobody wants cheating. Nakikiusap na ako, I’m pleading almost praying that people will really stick to the rule of law and avoid violence,” pahayag ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong Sultan Kudarat Provincial Hospital.
“Kapag hindi, unahan ko na kayo, then I will be forced to use the might of the military, not for any purpose but to see to it that the election is peaceful and violence-free,” dagdag ng Pangulo.
Kakandidatong bise presidente si Pangulong Duterte sa susunod na eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.