12 madre sa Tanay, Rizal positibo sa COVID-19

By Chona Yu September 25, 2021 - 08:41 AM

Labing dalawa sa 18 madre ng Carmelite Monastery sa Tanay, Rizal ang nag-positibo sa COVID-19.

Batay sa Facebook post ng monstaeryo, pawang mga fully vaccinated na ang mga madre maliban sa isa na umiinom ng chemo tabs.

Nabatid na pawang mild cases lamang ang nararanas ng mga madre.

Pawang symptomatic din ang mga madre.

Tiniyak ng mga madre na maayos naman ang kanilang kalagayan.

Patuloy na umaapela ang mga madre ng panalangin para sa agarang ikagagaling ng mga tinamaan ng COVID-19.

 

TAGS: 12 madre, Carmelite Monastery, COVID-19, Rizal, tanay, 12 madre, Carmelite Monastery, COVID-19, Rizal, tanay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.