2 Chinese medical suppliers na may kasong estafa, ‘wanted persons’

By Jan Escosio September 24, 2021 - 09:30 PM

 

FILE PHOTO: A worker shows Philippine peso bills inside a money changer in metro Manila, Philippines August 14, 2017. REUTERS/Dondi Tawatao

Hindi pa rin matagpuan ng mg awtoridad ang dalawang Chinese businessmen na sinampahan ng kasong estafa ng Philippine Veterans Bank.

Magugunita na 2019 nang kasuhan sina Jimmy Hao at Jamie Sheila Hao, ng MEIAHAO Corp., na nakabase sa Binan City sa Laguna at nagsu-supply ng mga gamit pangkalusugan.

Nag-ugat ang kaso sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code kaugnay sa Trust Receipts Law.

Base sa reklamong isinampa sa Makati City Prosecutors Office, binigyan ng PVB ng P110 million credit facility ang korporasyon ng mga Hao.

Ginamit ang credit facility sa ibat-ibang okasyon bago nagsimula nang mabigo ang korporasyon na tumupad sa kanilang obligasyon sa PVB noong Mayo 22, 2019.

Hiniling din ng PVB na magbayad ng P122.9 milyon pagkaka-utang kasama ang interes.

Ngunit hindi na rin nagbayad ang korporasyon kayat nagsampa na ng pormal na reklamo ang PVB at hanggang ngayon ay hindi pa rin matagpuan ang dalawang Hao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.