Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (September 24), pumalo na sa 2,453,328 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 175,324 o 7.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 18,659 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.9 porsyento ang asymptomatic; 2.84 porsyento ang moderate; 1.5 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Walang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, nanatili sa 37,405 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 9,088 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,240,599 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.