Palasyo, hindi nababahala sa pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Duterte

PCOO photo

Hindi nababahala ang Palasyo ng Malakanyang sa pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Palasyo matapos bumaba sa 75 porsyento ng rating ng Pangulo base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maituturing pa rin itong very good.

Ayon kay Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit na ang eleksiyon.

Natural lang ani Roque na sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang rating ng administrasyon para manalo.

Kung bumaba man aniya ang satisfaction rating ng Chief Executive ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.

May tatlong porsyentong margin error pa, ani Roque, kaya’t humigit kumulang ay di naman tatas ng 7 points ang ibinaba ng rating ng Presidente.

November 2020 naman ng makuha ng Pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 porsyento sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Read more...