Sa groundbreaking ceremony ng Pasig River Expressway, inihayag ng negosyante na isa ang kalihim sa mga nakatrabaho at nakatransaksyon niyang tapat, matalino at masipag.
Ani Ang, “Alam mo, bihira ka makakita ng public official na tapat at mahusay. Ito po (Sec. Tugade) tapat at mahusay na tao, kaya lang mahirap kausap ito, suplado talaga ito. Talagang sobrang higpit sa rules and regulations.”
Dahil aniya kay Tugade, nagbigay ang SMC ng libreng daan sa mga tollway para sa mga fronliner at maging ang free fuel.
Kinausap rin aniya siya ni Tugade na huwag munang maningil nang buksan ang Skyway Stage 3.
Kahit bilyun-bilyon ang mawawala sa kanila, pinagbigyan aniya nila ito upang makatulong na rin sa publiko sa gitna ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
“Si Secretary Tugade sinabi niya sakin, ‘Ramon kailangan ng mga kababayan natin ang suporta, ‘wag tayo mag-judge at ‘wag manghingi ng kung anong increases sa inyong mga tollway. Ipakita natin sa ating mga kababayan na ginagawa natin ang lahat para makatulong makaginhawa sa mga kababayan natin,” dagdag pa ni Ang.
Dahil dito, sinabi ni Ang na suportado niya nang 100 porsyento ang mga plano ng kalihim.