SALN ni Pangulong Duterte dapat isapubliko

By Chona Yu September 24, 2021 - 11:07 AM

Naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na dapat na isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Paliwanag ni Mayor Isko, isang public document ang SALN na dapat na malaman ng taong bayan.

Nakasaad aniya sa batas na dapat nakalahad ang SALN ng mga opisyal ng pamahalaan mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa baba.

Sinabi pa ni Mayor Isko na bukas naman ang kanyang sariling SALN.

Matatandaang nababatikos si Pangulong Duterte dahil sa hindi paglalahad ng kanyang SALN.

 

TAGS: Mayor Isko Moreno, Pangulong Duterte, SALN, Mayor Isko Moreno, Pangulong Duterte, SALN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.