Japanese sim card hacker arestado ng PNP

A vendor arranges mobile telephone SIM card at a store in the Manila area on January 27, 2011. The Philippines on January 27 called for mandatory registration of mobile telephone SIM card buyers after a remotely-detonated bomb killed five people in Manila.    AFP PHOTO / NOEL CELIS
Inquirer file photo

Naaresto ng mga tauhan ng Philippne National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang Japanese national at sampung Pinoy na kanyang mga tauhan dahil sa sim card cracking sa Makati City.

Ayon kay PNP ACG Director, Police Senior Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, naaresto ang Hapones at 10 Pinoy sa raid na isinagawa sa kanilang unit sa Trafalgar Plaza, Dela Costa Street, Salcedo Village Makati City.

Ani Eleazar, sangkot ang grupo sa multi-million Pesos na ilegal  Subscriber Identity Module (SIM) card cracking activities sa bansa.

Humingi umano ng tulong sa PNP ACG ang isang malaking telecommunication company para imbestigahan ang nabanggit na kumpanya na inooperate ng Japanese na si Yuseke Otani, 30-anyos.

Gamit ang network ng Globe Telecom, hina hack ng kumpanya ang mga domestic sim cards para magamit sa international calls at maging  sa koneksyon sa internet.

Read more...