Dolomite beach sa Manila Bay ipinatitigil

Nagsagawa ng ng kilos protesta ang iba’t-ibang grupo para ipanawagan ang pagpapatigil sa reclamation project sa Manila Bay.

Ayon sa grupo ng Pamalakaya at mga climate change activist, hindi nakakatulong ang nasabing proyekto dahil sa nawawalan ng kabuhayan ang mga mangingisda.

Partikular ang mga nagbebenta ng tahong at talaba sa Bacoor kung saan nakatakda ng gibaiin ang kanilang mga fish pen.

Nabatid na isinisisi ng pamahalaan sa mga nagtatahong at nagtatalaba ang pagkasira ng ilang bahagi ng Manila Bay bagay na inalamahan ng grupo ng mga mangingisda at ng ilang climate change activist.

Dumulog na ang grupo kay Environemtn Secretary Roy Cimatu pero walang tugon sa kanilang mga hinaing.

 

 

Read more...