Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, bumagsak
Bumagsak ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa Social Weather Stations, 75 percent sa mga respondents ang nagsabi na kuntento sila sa pamamahala ng Pangulo habang 13 percent ang nagsabi na hindi sila kuntento.
Nasa 12 percent naman sa mga respondents ang nagsabi na undecided.
Nabatid na nasa +62 na lamang ang nakuha ng Pangulo noong Hunyo 2021.
Mas mababa ito sa +65 na nakuha noong Mayo 2021 at +79 na nakuha noong Nobyembre 2020.
Bumaba ang rating ng Pangulo habang nasa huling taon ng panunungkulan sa Malakanyang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.