Mga kalaban ni Roxas muling binanatan ni PNoy

By Alvin Barcelona May 03, 2016 - 03:15 PM

Noynoy Aquino1
Inquirer file photo

Hindi ulit napigilan ni Pangulong Noynoy Aquino na banatan ang pinakamatinding kalaban ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa darating na eleksyon.

Sa kanyang talumpati sa Tuguegarao City sa Cagayan, muling nagbabala ang Pangulo laban sa posibleng panalo ng hindi nito pinangalanan na kandidato na pinangangambahan niyang tumulad kay dating Pangulong Marcos na ayaw nang umalis sa puwesto at nanatili sa posisyon sa loob ng dalawang dekada.

Naniniwala naman ang mga nakapakinig sa talumpati na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang pinaparinggan.

Nangangamba ang Pangulo na baka maghangad din ng mahabang panahon sa Malakanyang ang “mag-aama”.

Nanindigan si PNoy na kahit gaano pa kagaling ang isang opisyal hindi tama na kumapit sa puwesto.

Iginiit ng Chief Executive na wala sa Saligang-Batas ang pagtakbo ng Pangulo ng pangalawang termino at pati na ang term-extension.

Aniya ang mahalaga ay magtuloy tuloy ang mga nangyayari ngayon sa bansa kahit sino pa ang maupong Presidente ng Pilipinas pagkatapos ng eleksyon sa Lunes.

TAGS: 2016, Aquino, deuterte, roxas, 2016, Aquino, deuterte, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.