Nakakaapekto pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Gayunman, hindi na aniya inaasahang magdadala ang naturang weather system ng malawakang pag-ulan.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa, kabilang ang Metro Manila, posible pa ring makaranas ng isolated rains dulot ng localized thunderstorms sa Huwebes ng gabi.
Samantala, may dalawang binabantayang bagyo ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, namataan ang isang bagyo na Tropical Storm Dianmu sa kayong 585 kilometers Northwest ng Pagasa Island, Palawan bandang 3:00 ng hapon.
Papalayo aniya ang pagkilos nito at walang direktang epekto sa kalupaan ng bansa.
Tropical storm din ang isa pang bagyo na huling namataan sa layong 2,070 kilometers Silangan ng Visayas.
Walang direkta aniyang epekto at mababa ang tsansa na pumasok ang bagyo sa teritoryo ng bansa.