Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11590 noong Miyerkules, September 22, 2021.
Ayon kay Roque, bahagi ito ng mahigpit na pagre-regulate ng pamahalaan sa lahat ng klase ng sugat at pagbabawal sa ilegal na sugal sa bansa.
Ayon kay Roque, gagamitin ang 60 porsyento sa makokolektang buwis sa POGO sa universal health care program habang ang 20 porsyento naman ay mapupunta sa pagpapalakas sa medical facilities at ang natitirang 20 porsyento ay para sa sustainable development goals.
Matatandaang aabot sa mahigit P6 bilyon ang nakolektang buwis ng pamahalaan sa POGO noong 2019.
Pero nagsara ang operasyon ng POGO nang tumama ang pandemya sa COVID-19 noong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.