MECQ sa Tuguegarao City, pinalawig hanggang Sept. 30

By Angellic Jordan September 23, 2021 - 01:39 PM

Pinalawig ang pagpapairal ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Tuguegarao City hanggang September 30, 2021.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter Agency Task Force (RIATF) ang kahilingan ng lokal na pamahalaan na palawigin pa ang pagpapatupad ng nasabing quarantine classification.

Pinagbatayan ng RIATF ang naturang desisyon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Naglabas na rin ng pahayag si Mayor Jefferson Soriano na kakastiguhin ang mga establisyementong hindi sumusunod sa mga alituntunin ng MECQ protocols.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na patuloy na mag-ingat at sumunod sa minimum public health standards na ipinapatudad ng pamahalaan.

TAGS: areas under MECQ, InquirerNews, MECQ, MECQareas, RadyoInquirerNews, tuguegarao, areas under MECQ, InquirerNews, MECQ, MECQareas, RadyoInquirerNews, tuguegarao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.